top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Harassment sa Panatag Shoal, imbestigahan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 31, 2019
1 min read

PATULOY ang pagdami ng reklamo ng umano’y harassment laban sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough o Panatag Shoal.

Kagagawan umano ito ng ilang Chinese fishermen.

Kaya payo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda, umiwas muna sa nasabing lugar.

Ito ay upang maiwasan na rin ang pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng mga Pinoy at Intsik.

Kasabay nito, tiniyak naman ng gobyerno na gumagawa ito ng hakbang sa nasabing isyu.

Kaya dapat umanong manatili muna sa mga municipal water ang mga mangingisdang Pinoy.

Bagama’t, mga high value fish ang nakukuha sa Panatag Shoal, hindi naman umano marami ang mga ito.

Samantala, nauna nang sinabi ng Northern Luzon Command na hindi pa kumpirmado ang mga ulat na panggigipit sa mga mangingisdang Pinoy.

Kung totoo man ito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maghahain ng panibagong reklamo ang pamahalaan laban sa pangha-harass ng Chinese fishermen.

Sadyang masalimuot ang usapin sa West Philippine Sea.

Kaya dapat nating maunawaan kung bakit nagiging maingat ang ating gobyerno, alang-alang sa kapayapaan at kaligtasan ng lahat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page