top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

“HAKUTIN N’YO NANG LAHAT ANG GOLD MEDAL SA 30TH SEAG”- PSC

Clyde Mariano
Mar 31, 2019
2 min read

WALONG buwan bago simulan ang mainit na labanan sa 56 sports na nakataya sa 2019 Southeast Asian Games, hiling at panawagan ng Philippine Sports Commission sa mga atleta na paghusayan at gamitin ang lahat ng nalalaman upang manalo sa kanilang paboritong sports at pasayahin ang kanilang mga kababayan na umaasa sa kanilang tagumpay.

“First and foremost, your ultimate goal is to win and you can do it through dedication, aspiration, resiliency, determination and the will to win. Play your best out there and put your heart into the game for your country,” ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez. ''PSC is right behind you in your quest for fame and glory. This time you venture in another sports competition against rivals from 10 countries. Show your best out there for your country and satisfy your countrymen who are there to cheer for you.”

Matatandaan na nagpalabas ang PSC ng halagang P86,777,500.00-M noong 2017 sa nakaraang Southeast Asian Games na nilahukan ng 661 mga atleta na ginawa sa Malaysia. At dahil sa ‘Pinas gagawin ang ika-30th edition ng biennial meet, malaking bilang na mga atleta ang palalaruin upang magkaroon ng tsansa sa mas maraming medalya at higitan ang karangalang nakuha sa Malaysia kung saan wala pang 30 ginto ang nakolekta.

Dahil sa malaking bilang ang entry ng mga atleta, umaasa si Ramirez na maraming medalya ang makukuha ng mga Pinoy. Mahigit 10,000 atleta mula sa 11 miyembrong bansa ang lalahok sa 11 days sports competition na apat na beses na ginawa na sa ‘Pinas mula 1981 at huling ginawa noong 2005 kung saan humakot ang mga Pinoy ng 113 (gold)-84 (silvers) at 94 (bronze) total medals.

Ang mga sports na ina­asahang magbibigay kara­ngalan ay ang athletics, basketball, golf, combat sports boxing, wrestling, judo, wushu, chess, taek­wondo, gymnastics, base­ball, softball at billiards. Dinomina ng mga Pinoy ang billiards sa dalawang nagdaang SEA Games at inaasahang muli silang maghahari tampok ang si­yam na ginto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page