SULTANOV, CERTAIN TO WIN PATOK SA WTA

MATUTUNGHAYAN ngayon ang anim na Condition Race at isang 3 Year Old & Above Maiden race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Sa umpisa ng Winner-Take-All (WTA) sa Race 1, paglalabanan ng 7 kalahok sa Condition Race (18) at pinapaboran ang Couple Entry na Yona at Heart and Soul, Storm Chaser at Constantinople. Susunod ang Pick 6 event sa Race 2, na ipinapatok ang Sultanov habang Captain Sully at Pachaming ng Habla Stable ang maglalaban sa forecast.
Nakalalamang ang couple entry na Pure Imagination habang Jontu at Plug Ceremony ang posibleng tumalo sa Race 3. Sa Race 4, binibigyan ng malaking panalo ang Smart Tyler at La Corona ang posibleng tumalo sa Condition Race (21). Anim na kalahok ang maglalaban sa Conditional Race (20) at pinapaboran ang Resurgence at Expensive sa Race 5.
Sa Race 6, ipinapatok ang Certain To Win, habang ang mga kalahok na Morning Breeze at Sooner Time ang posibleng tumalo. Habang sa Race 7, magiging parating ang Abakada at Money In My Pocket sa pag-alagwa ng Condition Race (19). Tip ni Mang Ding: Race 1- Entry No.2, Constantinople (7) Race 2- Sultanov (4), Captain Sully (11) Race 3- Entry No.2, Jontu(5), Plug Ceremony (7) Race 4- Smart Tyler (7), La Corona (1) Race 5- Resurgence (3), Expensive (5) Race 6- Certain To Win (1) Race 7- Abakada (10) Maker Mark (2)





Comments