Pumalag na tulak natepok
- Pabs Hernandez III
- Mar 30, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Mapangpang, Lupao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ireneo Reyes, residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Reyes na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng droga kaya binaril nito ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay si Reyes.





Comments