Movie nila ni Jericho, nilangaw… SIGAW NI JESSY: HUWAG N’YONG ISISI SA AKIN!


NILINAW ni Jessy Mendiola na kahit hindi naging maganda ang resulta sa takilya ng Metro Manila Film Festival movie nila ni Jericho Rosales na The Girl in the Orange Dress last December, proud na proud pa rin siya sa pelikula dahil nakasama raw ito sa katatapos lamang na 14th Osaka Asian Film Festival (OAFF).
Kung hindi man daw naging maganda ang resulta sa takilya ng movie ay hindi naman siguro dapat isisi sa kanya.
“Kasi, pansin ko po, for the past year, nagbabago ang gusto ng audience, eh. Minsan, gusto nila ng rom-com. Minsan, gusto nila ng heavy drama. Minsan, gusto nila ng slapstick comedy. So, tulad po ng ibang movies na na-release since January, wala pong magandang gross, eh.
“So, hindi rin po puwedeng ma-blame lang sa isang movie or dahil lang sa akin, hindi naman po ‘yun one-man film,” pahayag ng aktres sa presscon ng Stranded, ang pelikula nila ni Arjo Atayde under Regal Films na showing na sa April 10.
Kung hindi man daw nagustuhan ng Pinoy audience ang movie ay na-appreciate naman daw sa ibang bansa.
“And that’s enough for us,” she said.
Wish niya na mas suportahan ng manonood ang Stranded na showing na ngayong April 10.
“Kahit po hindi sa akin, ‘yung iba rin pong pelikula, tulungan po natin. Kasi po, ‘pag lumakas naman po ang kita natin sa mga pelikula, mas magiging proud po tayo na ipakita ‘yun sa ibang bansa,” she said.





Comments