Mag-asawang adik tiklo
PANGASINAN—Inaresto ng pulisya ang mag-asawang adik matapos mahuli sila sa aktong bumabatak ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Buenlag, Mangaldan sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Alexander at Jenny Lomibao, kapwa residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu at mga kagamitan sa pagsinghot ng iligal na droga sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.
Nakapiit na ang mag-asawang Lomibao na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments