top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Inuulan tuloy ng puna... MALE CELEB, SOBRANG BAD INFLUENCE GF NA YOUNG ACTRESS KAYA ISINUSUKA NG PAM

  • Erlinda Rapadas T.
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

LABIS na nag-aalala ang mga kaibigan at tagahanga ng isang magandang young actress dahil mukhang malaki na ang ipinagbago ng ugali nito dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang ka-love team-boyfriend na aktor.

Ibang-iba kasi ang nakagisnang pag-uugali ng tisoy na young actor na masyadong liberated. Ang young actress naman ay dating wholesome ang image, pero dahil sa karelasyong aktor ay malaki na rin ang ipinagbago niya.

Ang mga bagay na hindi dating ginagawa ng young actress ay nakikita na sa kanya ng mga tao sa kanilang paligid. Wala ring magawa ang mismong pamilya ng young actress na ito ay pigilan dahil mukhang sunod-sunuran na lang siya sa kanyang BF.

Sobrang in love ang young actress kaya nag­bu­bulag-bulagan ito sa mga sinasabi ng mga na­g­­mamalasakit sa kanya tungkol sa BF niya.

Hindi magandang ehemplo ang young actor sa kanyang ka-love team. Marami siyang itinuturong gawain sa young actress na hindi katanggap-tanggap.

Kaya naman, panay ang dasal ng pamilya ni young actress na sana ay matauhan at magi­sing na siya sa katotohanan at makalayo na sa karelasyong young actor. Kaya namang mag-solo ni young actress dahil magaling siyang umarte!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page