Hapi pa rin daw kahit pinagpiyestahan, Ronnie… LOISA, NAGSALITA NA SA VIDEO SCANDAL NA PINAGLALARUA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA unang pagkakataon ay nagsalita na si Loisa Andalio matapos kumalat ang video scandal niya kung saan makikitang pinaglalaruan niya ang kanyang boobs.
Halos isang linggong naging trending ang maselang video ni Loisa sa mundo ng social media. Napag-alaman din na ang kumalat na video diumano ay ipinadala ni Loisa sa BF ng kapatid ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte, na naging dahilan ng pag-aaway nila noong 2018.
Walang makapagsabi kung si Loisa ba talaga ang laman ng maiskandalong video, pero kinumpirma ito ng mga netizens na nakakakilala sa young actress at sinabing pareho ang tattoo ng babae sa video sa tattoo ni Loisa.
Kaya nu’ng Huwebes (March 28) nang gabi, sa pamamagitan ng isang tweet ay binasag na nga ni Loisa ang kanyang katahimikan at nagsalita sa unang pagkakataon.
Hindi man niya dinepensahan ang kanyang sarili, halatang sagot naman ito ng young actress sa isyung kanyang kinasasangkutan.
Ani Loisa, “Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa.”
Bumuhos din ang suporta mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Alex Diaz, Moira dela Torre, Fifth Solomon, Jane Oineza at Ria Atayde.
Ani Alex, “We have your back! @iamAndalioLoisa”
Sey naman ni Fifth na nakasama niya sa loob ng bahay ni Kuya at isa nang direktor ngayon, “We love you loiskiii strong like a turtle tayo.”
“Laban,” naman ang maikling mensahe ng aktres na si Jane Oineza.
Samantala, “You got this b!” ang naging mensahe ng anak ni Sylvia Sanchez at kapatid ni Arjo Atayde na si Ria.
Hindi lang sa kanyang mga kapwa artista nakatanggap ng suporta si Loisa dahil sa kabila ng isyung kanyang kinaharap ay hindi pa rin siya iniwanan ng kanyang mga loyal supporters.





Comments