top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

CLIFF DIVING WORLD SERIES ABANGAN SA EL NIDO

  • Clyde Mariano / MC
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

SISIMULAN ang pinakamalaki at pinakaaabangan na debut sa bansa ng Red Bull Cliff Diving World Series para sa 11th season sa El Nido, Palawan sa Abril 12-13, bilang regional debut sa tatlong lokasyon para sa seven-stop global tour.

Nakaiskedyul ang event sa Abril 13 sa Palawan, habang sa Mayo 12 sa Dublin, Ireland, Hunyo 2 sa Polignano a Mare, Italy, Hunyo 22 sa Sao Miguel Azores, Portugal, sa Hulyo 14 sa Beirut, Lebanon, sa Agosto 24 sa Mostar, Bosnia at Herzegovina, at sa Set. 14 sa Bilbao, Spain.

May 24 na professional male at female cliff divers mula sa 18 mga bansa ang magtatagisan sa pag-dayb sa napakalinis at malinaw na tubig ng Small and Big Lagoon sa Miniloc Island, kabilang na rito ang mga kampeon na sina Rhiannan Iffland ng Australia at Gary Hunt (GBR). Bawat lugar na pagdarausan ay itatampok ang apat na wildcard divers na pakay pataasin ang ranking sa larangan ng diving.

Lulundagin nila ang mula sa mataas na batuhan na 27 meters, pabagsak sa dagat at sa bilis na 86-km kada oras, taglay ang konsentrasyon, skills at pi­sikal na pagkontrol. Iiskoran ang divers ng inter­national jury base sa metric ng bawat dayb, tulad ng pag-take-off, posisyon sa ere at paglagpak sa tubig.

Samantala, isa si Olympian Greg Louganis sa mago-officiate ng cliff diving series. Ang 4-time Olympic gold medal diver ang sports director ngayon ng serye na dati munang naging judge ng event bago naging opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page