Chinese huli sa Vietnam | P400-M HEROIN, NASAMSAM
ARESTADO ang Chinese national sa Vietnam makaraang makuhanan ng mahigit 300-kilo ng heroin.
Dinakip ang suspek sa Ho Chi Minh City kaugnay sa nagpapatuloy na crackdown laban sa iligal na droga sa Vietnam.
Batay sa impormasyon, aabot sa 313-kilo ng heroin ang nasamsam sa suspek kung saan tinatayang nasa $8.6 million o katumbas ng P400 million.
Bukod sa Chinese na suspek, arestado rin ang kasama nito.
Matatandaang, dinakip sa Vietnan ang 16 Chinese at 3 Vietnamese dahil sa pagpapatakbo ng major drug ring.





Comments