Building nasunog, 19 patay
Jersey Sanchez
Mar 30, 2019
1 min read
PATAY ang 19 katao habang 70 katao ang nagtamo ng mga sugat matapos ang malaking sunog sa high-rise building sa Dhaka, Bangladesh.
Gayunman, maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang hindi narerekober sa 19-storey building.
Gumamit ng helicopter ang mga rescuer upang maapula ang apoy habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.





Comments