Bigtime pusher nasakote
Pabs Hernandez III
Mar 30, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Pedro, San Pablo City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Richard Hiwatig, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 14 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Huwatig nang arestuhin siya ng pulisya sa naturang barangay.





Comments