top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BF, kaya lang daw pakakasalan dahil super rich… SIGAW NG NETIZENS: DANI, WALA NANG UTANG NA LOOB, G

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

SAMANTALA, mula nang ibulgar nina Gretchen at Claudine Barretto ang sama ng loob nila sa pamangking si Dani Barretto na anak ng kapatid nilang si Marjorie, wala pa ring sagot o aksiyon na narinig mula sa ate ni Julia Barretto.

Pino-provoke ng ilang netizens si Dani na nga­yon nito sabihing si Marjorie lang ang nag-iisang nagpalaki sa kanya at pinalabas na walang naging partisipasyon ang amang si Kier Legaspi at maging ang mga tita niyang sina Gretchen at Claudine.

Hirit ng ilang netizens, biglang natameme si Dani dahil nabuking ang pagiging sinungaling nito at kawalan ng utang na loob. Wala raw mai­sagot si Dani dahil alam nito ang totoo na malaki ang naging tulong nina Gretchen at Claudine sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid.

Ang masakit nito, may mga bashers ding nag-a-accuse ngayon kay Dani na gold-digger daw ito kaya magpapakasal sa fiance na si Xavi Panlilio na galing sa mayamang angkan.

Sey pa ng ilang netizens, palibhasa raw ay wala na siyang maaasahan sa kanyang mga titang sina Greta at Clau dahil kagalit nga ito ng kanyang inang si Marjorie kaya sa iba naman daw siya aasa ngayon.

Awww! Grabe naman ‘yun, ha?!

As of this writing, wala pa nga kaming nakikitang latest post ni Dani na nagsosori sa kanyang mga tita dahil sa mga nasabi niyang naka­sakit kina Gretchen at Claudine.

Well, siguro, kung magpapa­kumbaba lang si Dani, hindi naman siya matitiis ng da­lawa niyang tita na kilala namang malambot ang puso kahit pa “malupet” ding mag­bitaw ng masasakit na salita ‘pag galit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page