top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sori ka na lang, Miguel… KYLINE, UMAMING 'DI LALAKI ANG GUSTO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2019
1 min read

“I want to be successful sa buhay. Siguro po, makukuha ko lang ‘yun kapag nakuha ko na ‘yung Nora Aunor level. Gusto ko pong maging Superstar, yeah, respected po ng lahat pagdating sa pag-arte.

“Kasi po si Ms. Nora, boses pa lang niya, iba na, eh. Pero ang definition ko po sa pagiging successful ay ‘yung I am happy with my life and with my family. ‘Yun po,” ang ngiting-ngiting sabi sa amin ni Kyline Alcantara sa press set visit namin sa taping nila ng Inagaw na Bituin serye niya nu’ng nakaraang Miyerkules nang hapon.

“Sa dami ng projects mo ngayon, Kyline, sa Kapuso Network, bukod pa sa ibang raket like doing a movie now, personal appearances, mall tours, pro­duct endorsements, ano na ang mga properties na na-acquire mo so far?” hirit na tanong ni yours truly.

“Properties? Ahhmmm, kotse pa lang po,” sagot niya at susunod na raw siguro ang house and lot.

Basta ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay pagbutihin muna nang husto ang kanyang showbiz career in acting, singing and dancing.

“At mag-focus po nang husto rito sa aming Inagaw na Bituin teleserye bukod pa sa marami pa po akong dreams sa buhay,” she even added.

K, fine! Basta huwag lang siyang “agawin” ng kanyang rumored sweetheart na si Miguel Tanfelix at yayaing mag-asawa agad para maabot pa niya ang marami pang “bituin” na dapat niyang sung­kitin at nang tuluyan niyang masabing… all her dreams came true… boom, ‘yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page