top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

POINT OF NO RETURN, NLEX AT PIER, UNAHAN SA QUARTERFINALS SEAT

Clyde Mariano
Mar 29, 2019
2 min read

PUNTIRYA ng NLEX Road Warriors at NorthPort Batang Pier na makapasok sa quarterfinals kontra magkahiwalay na kalaban sa huling araw ng elimination ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum, isang araw matapos gawin sa unang pagkakataon ang All-Stars sa Calasiao, Pangasinan.

Sasagupain ng Road Warriors ang Magnolia Hotshots ng 4:30 p.m. at haharapin ng Batang Pier ang kinatatakutan na hawak ni winningest coach Tim Cone, ang Barangay Ginebra ng 7 p.m. sa Abril 3 kung saan nakataya ang karangalan ng Kings bilang isa sa bigating teams sa liga. Tabla ang NLEX at NorthPort sa kartadang 4-6 matapos talunin ng Batang Pier ang Aces, 94-84, at sinipa ng Gins palabas ang Bolts, 86-76, nitong nakaraang Miyerkules at nagwakas ang elimination campaign ng Aces sa kartadang 4-7 kasosyo ang Dyip.

Kailangang talunin ng NLEX ang reigning Governor’s Cup champion Hotshots para maiayos ang playoff sa 8th at huling quarterfinal seat at tiyak na pipilitin ni coach Yeng Guiao na manalo para makapasok sa next round. Para manalo, kailangang i-full tank ni Guiao ang Road Warriors para matulin ang takbo sa NLEX at hindi abutan ng Hotshots. “This game is very crucial to us. We have to win it at all cost to stay in the hunt for the quarterfinals,” sabi ni Guiao.

Sa larong kung tawagin ay “point of no return,” pinag­sabihan ni Guiao ang kanyang mga bata na isapuso at isa-isip ang laro at huwag magpabaya dahil mahirap talunin ang Hotshots na mataas ang morale sa panalo nila sa eliminated nang Blackwater Elite noong Marso 22.

Ganoon din si NorthPort coach Pido Jarencio na pinaalalahanan din ang kanyang mga bata sa pangunguna ni ace gunner Stanley Pringle at Sean Anthony na pag-igihan ang kanilang laro tulad nang pinakita nila sa Aces. “Barangay is tough and hard to beat. We have to play with lots of intensity and pull our resources against one of the toughest teams in the league. Sana masilat namin,” wika ni Jarencio.

Kinuha ng Phoenix (9-2) at Rain or Shine ang top two at ang twice-to-beat advantage. Nasa pangatlo ang Barangay Ginebra 7-3 at ang defending champion San Miguel Beer at corporate rival TNT KaTropa na tabla sa kartadang 7-4.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page