Habang nag-i-Instagram Live ang utol ni Gretchen… JINKEE, NAGSALITA NA SA UTANG DAW SA KANYA NI CLAU

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGSALITA na si Jinkee Pacquiao tungkol sa kumalat na balitang diumano’y may malaking utang sa kanya si Claudine Barretto na hanggang ngayon ay hindi pa nito nababayaran.
Habang nag-i-Instagram Live ang magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto, nag-comment ang misis ng Pambansang Kamao at nilinaw nito na walang utang sa kanya ang aktres at hindi totoo ang bali-balitang may negosyo silang dalawa na hindi kumita.
Ani Claudine sa kanyang IG Live, “Hindi po ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera. Sana, matapos na ‘yang mga tsismis na ‘yan.”
Dito na nagbigay-linaw si Jinkee at nag-comment sa IG Live ng aktres.
Aniya, “Mare, ipaalam ko lang sa kanila, wala kang utang sa akin. At wala rin tayong business. Masaya ako na friends tayo at kumare kita. I love you mare!”
“Wala pong utang si Claudine sa akin. Mahal ka namin mare! Just pray for them na lang,” ang sumunod na komento ni Jinkee sa Instagram Live.
“Kung meron man akong utang sa kanila, utang na loob ‘yun sobra. Kasi never nila pinabayaan… ‘yung mga anak ko,” ang naging pahayag ni Claudine sa kanyang video.
Ipinost din ng aktres sa kanyang account ang screenshot ng komento ni Jinkee at nilagyan ng caption na: “Thank u @jinkeepacquiao for speaking up. i luv u mare.”
Samantala, nag-comment naman dito si Gretchen at sinabing alam na raw nila kung sino ang nagpakalat ng balita at ito ay ang kanilang kapatid na si Marjorie.
Ani Gretchen, “Jinkee Pacquiao, thank you so much for clearing this issue. I will be forever grateful to you. I am not blaming my friend Tita Cristy Fermin and Tita Lolit [Solis]. We investigated and was told that Marjorie Barretto is the KNE [sic] spreading the issue.”





Comments