top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dalagita nalunod sa ilog

Pabs Hernandez III
Mar 29, 2019
1 min read

DAVAO DEL SUR—Isang 13-anyos na dalagita ang namatay nang malunod habang naliligo, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Tres de Mayo, Digos City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Sofia Villaber, nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang naliligo si Villaber, kasama ang isa nitong kaibigan ay napagawi ito sa malalim na bahagi ng ilog kaya nalunod ang biktima.

Sinikap ng mga residente na iligtas si Villaber, pero bangkay na ito nang maiahon sa ilog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page