top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ate, taob daw… SIGAW NG MADLANG PIPOL: JASMINE, MAS MAGALING NA AKTRES KAY ANNE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2019
1 min read

HINDI binabalewala ng GMA Network ang kapa­sidad ni Jasmine Curtis-Smith bilang mahusay na aktres, kaya ipinagkatiwala nila ang ilang maga­gandang projects sa younger sister ni Anne Curtis.

Tulad nitong Sahaya na nagtatampok kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix kasama ang iba pang magagaling na artista tulad nina Snooky Serna, Mylene Dizon, Eric Quizon, Zoren Legaspi, atbp..

Nag-react ang ilang fans at nagtataka kung bakit maikling-maikli ang role ni Jasmine bilang nanay ni Sahaya (Bianca Umali) na napalitan ni Mylene Dizon nang nagdalaga na ang bida ng serye.

Si Gil Cuerva ang nakatambal ni Jasmine sa first part ng kuwento ng Sahaya.

Ganunpaman, wala namang na­ging reklamo ang kampo ni Jasmine. Masaya naman siya na marami ang pumupuri sa husay niyang umarte.

Sey pa ng ilang netizens, dapat ay bigyan na rin si Jasmine ng serye na siya ang solong bibida at hindi guest role lang. Kumpara sa ibang young stars ngayon, mas malalim na acting ang ibinibigay ni Jasmine sa bawat role na kanyang gina­gampanan.

At sabi pa ng ilang fans at showbiz observers, mas magaling na aktres si Jasmine kesa sa ate niyang si Anne Curtis.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page