Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGKAHILIG NG MGA PINOY SA ORASYON

Bigyang-daan natin ngayon ang pinasikat na tinatawag na “orasyon” na Sator Arepo Tenet Opera Rotas.
Halos lahat ng mga Pinoy na mahilig sa orasyon ay bilib na bilib sa orasyong “Sator Arepo Tenet Opera Rotas”.
Narito ngayon ang kasaysayan ng “Sator Arepo Tenet Opera Rotas”:
Ito ay unang natagpuan na nakaukit sa parisukat o square na bato, pero nasa krus sa maraming bayan sa Europa na pinaniniwalaang pamayanan ng mga mananampalataya at naniniwala kay Kristo.
Walang tunay na nakaaalam ng kahulugan ng “Sator Arepo Tenet Opera Rotas” dahil kahit ito ay sinasabing Latin, wala itong opisyal na pagkilala mula sa Simbahan.
Ang Sator ay “planter” sa wikang English. Sa Tagalog ito ay ang “nagtanim” habang sa malalim na kahulugan, ito ang “creator” o manlilikha.
Ang salitang Arepo ay hindi salitang Latin kundi Celtic word na ang kahulugan sa ating wika ay “araro”.
Sa mga millenial, hindi na nila alam kung ano ang araro dahil wala ng gumagamit nito sa pagsasaka, may ilan-ilan pa rin na nag-aararo ng mga bukirin, pero ang mga ito ay sobrang malalayong lugar na masasabing mga bayang makaluma at naiwan na ng panahon dahil ngayon ang gamit sa bukirin ay mga modernong makina.
Ang Tenet sa wikang English ay “who holds, keeps or preserve.” Sa Tagalog siya ang nagpapanatili, may hawak at tagapag-ingat.
Ang Opera sa wikang- English ay “he who works”, sa Tagalog siya ang nagtatrabaho .
Ang Rotas sa wikang English ay “wheels”, sa Tagalog ito ay gulong. Sa malalim na kahulugan, ito ay para sa “gulong ng kapalaran”.
Gayunman, lantad na katotohanan dito sa atin na ang mga tao ay mahihilig sa mga orasyon at ang medalyon na sinasabing anting-anting o agimat ay makikitang may mga salitang “Sator Arepo Tenet Opera Rotas”.
Ano kaya ang lihim na dahilan kung bakit ang “Sator Arepo Tenet Opera Rotas”ay sikat na sikat sa mga Pinoy na sobrang mahilig sa mga orasyon?
(Itutuloy)




Comments