500 inilikas | HOTEL NASUNOG
Jersey Sanchez
Mar 29, 2019
1 min read
INILIKAS ang 500 katao matapos sumiklab ang sunog sa hotel sa Singapore.
Ayon sa Singapore Civil Defence Force (SCDF), agad naapula ang sunog sa Grand Hyatt Hotel na malapit sa Orchard Road shopping district.
Gayunman, walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Batay sa ulat, nagmula ang sunog sa kitchen stove at exhaust duct mula sa isang restoran sa ikalawang palapag ng hotel.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.





Comments