top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para sa mga nagmumukha ng zombie riyan sa kapupuyat... TIPS PARA MAWALA ANG EYEBAGS

Donna Thea Topacio
Mar 28, 2019
2 min read

No Problem

NANGINGITIM ang mga mata at nagmumukha ng panda? Don’t wor­ry, beshy, dahil easy breezy lang ang pagtanggal diyan. Pero, kung gusto talaga ninyong ma­wala na ‘yan, make sure na iiwasan na rin ninyo ang pag­pupuyat. Alamin ang mga paraan para mawala ang eyebags na ating pinagpupuyatan:

1. COLD COM­PRESS. Maglagay la­mang ng cold compress sa ilalim ng mga mata nang 10 minuto.

Kung may mask na­man kayo, puwe­de rin ito, pero mas mai­nam kung ilalagay muna ito sa ref­rigerator na gaga­win da­lawang beses sa isang araw. Ganern!

2. ROSE WATER. Bukod sa mabango ang rose water, nakasu-soothe at nakare-rejuvenate ito ng tired skin.

Ang kaila­ngan lang ninyong gawin ay ilagay ito sa bulak at ipa­hid sa mga mata nang 15 minuto dalawang beses sa isang araw.

3. TOMATOES. Ang kamatis ay mayaman sa lycopene, ang substance na maganda para sa car­diovascular health, vision at skin.

Keri nitong palam­butin ang ating balat at tanggalin ang maiitim na parte nito. Wow!

4. COLD TEA­BAGS. Kung wala kang cold compress o mask, mainam na ipalit dito ang cold teabags dahil may­roon itong antioxidants na nakasu-soothe ng strained capillaries sa ating under eye.

5. POTATOES. Ang patatas ay mayaman sa Vitamin C na mayroong collagen na nakapo-pro­mote ng healthier at youn­ger-looking na balat.

6. COLD MILK. Dehins lang mainam ang gatas para sa buto dahil keri rin nitong palambu­tin at paputiin ang ating balat.

Kaya kung gusto ninyo ng mala-porsela­nang kutis, alam n’yo na, ha?

7. ORANGE JUICE. Ang orange juice ay ma­yaman sa Vitamins A at C, na nakatatanggal ng dark circles sa mga mata, ito ay dahil sa glycerin na tina­taglay ng orange.

8. EAT MORE DARK CHOCOLATE. Shocked kayo, noh? Yes, you read it right, besh! Ito ay dahil ang chocolate ay may kakayahang pumro­tekta laban sa UV radia­tion kung saan kaya nitong pabagalin ang aging pro­cess ng indibidwal.

Wow na wow talaga ang mga tip na ito, beshy! Lalo na kung isasabuhay ninyo para mawala na ang nangingitim ninyong eye­bags at hindi na kayo ma­pagkamalan o asaring muk­hang panda. Charot!

Have a beautiful eyes!

Okay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page