Nakabangga, tinakbuhan, kinasuhan ng mga pulis… MIGO, TAGILID MATSUGI SA MGA SHOWS SA SIYETE

Nitz Miralles / BIDA

NAAWA si Jeric Gonzales kay Migo Adecer at sabi nito sa kaibigang si Joe Barrameda, tulungan nila si Migo dahil sa kinasangkutang aksidente ng kaibigang aktor.
Nagkasama sina Jeric at Migo sa Ika-5 Utos, kaya concerned siya sa kaibigan. Naging kampante si Jeric nang malamang may abogado na si Migo at ipagdarasal na lang daw nila ito.
Anyway, sa mga nag-aabang ng update kay Migo sa nangyaring aksidente kung saan may nasagi itong dalawang naka-motor na diumano’y tinakbuhan niya, narito ang official statement ng GMA-7…
“GMA Artist Center is closely monitoring the incident involving Migo Adecer. He is willing to assist the two people injured and his lawyer is now coordinating with them. We defer to Migo’s lawyer to address all legal matters regarding this incident.”
Kasama pala si Migo sa Sahaya, pero hindi pa nakakapag-taping. Sayang kung mapapalitan at mawawala siya sa epic drama series dahil maganda ang feedback sa show at marami siyang matututunan sa mga kasamang artista.
As for Studio 7, hindi pa alam kung ano ang plano ng production sa kanya.
May gagawin din siyang pelikula, ang Black Lipstick at mabuti, hindi pa nakakapagsimula ang shooting.
Ang dami palang maaapektuhang projects ni Migo kung sakaling tuluyan siyang makakasuhan dahil sa umano’y nasagi ng sasakyan niya na diumano’y tinakbuhan niya.
So far, ‘di pa raw nagsasampa ng reklamo ang nabangga ni Migo, pero ang mga pulis ay nagsampa na ng ng Reckless Imprudence resulting in Damage to Properties and Disobedience to a person in authority dahil umano sa pagtanggi ni Migo na sumama sa mga pulis nu’ng nahuli na siya.





Comments