MARK, NAGSALITA NA SA PAGLI-LIVE-IN NILA NI WINWYN BAGO NAGHIWALAY
- BULGAR

- Mar 28, 2019
- 1 min read

HINDI naman masasabing brokenhearted si Mark Herras kahit na hiwalay na sila ni Winwyn Marquez. Nagawa pa rin niyang humarap sa entertainment press at sinagot ang mga isyu tungkol sa kanya sa ginanap na mediacon ng bagong serye niya sa GMA-7, ang Bihag.
Maayos naman niyang naipaliwanag ang mga dahilan ng breakup nila ni Winwyn. Mutual decision na raw nila ang maghiwalay muna dahil madalas na silang nag-aaway at hindi nagkakasundo.
Malinaw din na walang third party involved sa kanilang hiwalayan. Pareho lang nilang na-realize na hindi pa sila handang magpakasal at marami pa silang mga pangarap sa buhay.
Aminado si Mark na sa kanilang relasyon ay si Winwyn ang nagdadala at ito ang katangiang hindi malilimutan ng aktor sa nobya niyang beauty queen. Pero, napagod raw silang pareho kaya nagdesisyon silang maghiwalay. Sa ngayon, ang career ang priority ni Mark.
Idinenay din niya ang tsismis na nagli-live-in na sila ni Winwyn noong sila ay BF-GF pa. Nakatira si Winwyn sa bahay ng kanyang amang si Joey Marquez sa Parañaque.





Comments