Malawakang blackout sa Venezuela muling nararanasan
MULING dumaranas ng malawakang blackout ang Venezuela dahilan para isuspinde ang pasok sa paaralan at trabaho.
Noong Lunes, nagsimula ang blackout sa kabisera na Caracas kung saan naapektuhan ang operasyon ng ospital, pampublikong transportasyon, tubig, linya ng komunikasyon at iba pang social services.
Apektado rin ang broadcast operations ng makapangyarihang state-run television network.
Gayunman, umabot na sa lungsod ng Barquisimeto at Maracaibo ang blackout.
Matatandaang, Marso 7 nang maranasan ang pinakamalalang blackout sa kasaysayan ng bansa na tumagal ng ilang araw.
Isinisisi ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang kawalan ng power supply sa puwersa ng oposisyon na pinamumunuan ni Juan Guaido.
Bagama’t, patuloy na lumalakas ang oposisyon at economic sanctions ng US, inilalaban ni Maduro ang pananatili sa puwesto.





Comments