Feeling annoyed dahil sa ugali ng boyfriend

Dear Roma,
Ako si Mich, 24 years old. May boyfriend ako at magti-three years na kami. Napansin ko lang na mula nu'ng nagkaroon kami ng kani-kanyang trabaho ay napapadalas na ang pag-aaway namin, gayundin na nagiging mainitin na ang ulo niya. Minsan, iniisip ko na lang na pagod siya kaya maiksi na ang pasensiya niya, pero sa totoo lang, naba-bother na rin ako. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? Thank you! — Mich
Mich,
Alam mo, sis, posible nga na baka palagi rin siyang pagod, kaya nagiging mainitin ang ulo niya. Gayundin, kung maliliit na mga bagay lang ang pinagtatalunan ninyo, mabuting magpalamig muna kayong dalawa bago ninyo pag-usapan ang problema. Ipinapayo rin natin na huwag na huwag ninyong hayaan na lumaki ang inyong pag-aaway at kung posible ay ayusin ninyo ito kaagad. Sana ay nakatulong kami sa iyo. God bless you!





Comments