DOUBLE CARRY OVER SA SLLP SAN LAZARO

MASIGLA ang araw sa Bayang Karerista, dahil magaganap ang double carry over sa Pick 6 at carry over sa Pick 5 bukod sa Super 6 carry over sa gaganaping karera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Nakataya ngayon ang double carry over na nagkakahalaga ng P1,125,886.00 sa Pick 6 na mag-uumpisa sa Race 1. Maglalaban ang dalawang kalahok na sina Mr. Bourbon at Resilient Creed sa nasabing karera. Sa Race 2, ipinapatok ang Oasis, habang ang Gold Fisherb at It’s My Birthday ang magsisilbing kalaban.
Sa Race 3, magsisimula ang Pick 5 na carry over ng halagang P569,415.79 at pinapaboran ang couple entry na Right as Rain at Kisskissbangbang laban sa mga kalaban na Lucky Saver, Marino ng Tanglaw at Master Maker.
Tatlong mananakbo ang maglalaban-laban sa Race 4 at pinapaboran ang kabayong Mika Mika Mika, My Lady Consa at Double Rock. Sa Race 5, pinapaboran ang couple entry na Atikupung Sinsing at Kinagigiliwan laban sa No Matter What at Rocking Star.
Nakalalamang ang Blowby sa Race 6 at binibigyan ng laban ang Musikera at Daanbantayan. Nakataya naman ang carry over sa Super Six at ipinapatok ang Gintong Tubig at binibigyan naman ng panalo ang Lady of Peace sa Race 7.
Tip ni mang Ding: Race 1- Mr. Boubon (10) Resilient Creed (11) Race 2- Oasis(2) It’s My Birthday (4) Race 3- Entry No.5 Marino ng Tanglaw (7) Race 4- Mika Mika Mika (7) My Lady Consa (1) Race 5-Entry No.3 No Matter What (4) Race 6- Blowby (5) Musikera (1) Daanbantayan (4) Race 7- Gintong Tubig (2) 10 Lady of Peace (10)





Comments