top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagong papa raw ni Vice, 'di ma-take, nilait… SIGAW NG NETIZENS: ION, GUWAPO LANG, WALA NAMANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2019
  • 2 min read

PAK na pak at kinakagat talaga ng mga viewers ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime ang landian nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez.

Kaya naman, marami ang nani­niwalang may ‘something’ na talaga sa dalawa lalo’t napapabalita ngang hindi na lang pang-screen ang sweet­ness at pakilig nila kundi pang-totohanan na raw.

Of course, happy at suportado ng mga ‘ponies’ (fans ng Unkabogable Star) ni Vice ang happiness na nakikita nila ngayon sa dalawa, lalo na sa parte ng gay comedian, dahil deserve naman daw nitong mahalin ng isang lalaki.

Ang siste, may ilang netizens ang mukhang bitter sa mga pakilig nina Vice at Ion sa It’s Showtime kaya bina-bash ang nakilala bilang si Kuya Escort na ginagamit lang daw nito si Vice para mapansin at sumikat, tapos ay iiwanan din naman daw nito ang gay TV host ‘pag nagkapangalan na.

May ilan namang nambu-bully kay Ion at inilabas ang mga old pictures nito nu’ng bata pa kung saan maitim at chakaness pa si Kuya Escort, malayung-malayo sa hitsura nito ngayon na hunk at heartthrob na ang dating.

Hindi lang ‘yun, may mga kumalat ding memes na iniismol ang intelligence ni Ion at sinasabing guwapo lang daw ito pero hindi brainy at ‘sabaw’ lang (read: walang laman ang utak) na makikita naman daw sa mga sinasabi nito ‘pag naglalandian sila ni Vice sa It’s Showtime.

At ang pinakanakakaloka nga ay ang pagli-link kay Ion sa ibang bading na kesyo inutangan daw nito kaya hinahabol siya.

Well, totoo man o paninira lang ang lahat ng ‘yan kay Ion, ‘yun ang masakit na kapalit ng kasikatang tinatamasa niya ngayon dahil sa pagkakaugnay kay Vice Ganda.

So far, wala pa kaming naririnig na pag-amin o denial ni Ion sa mga isyung ibinabato sa kanya.

Na-curious tuloy kami kung paano niya hina-handle ang mga pamba-bash na nararanasan niya ngayon. Nai-enjoy kaya niya o nahe-hurt pa rin siya?

At ang kanyang pamilya, ano rin kaya ang reak­siyon sa pagkaka-link niya kay Vice Ganda?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page