top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Alamin mula kay Maestro... SADLAKANG KAPALARAN NG MGA KABAYO SA PAKIKIPAGTRANSAKSIYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2019
2 min read

SA negosyo at pakikipagtransaksiyon, sinasabing matalas ang pang-amoy ng Kabayo, lalo na kapag may panganib. Kaya bago malugi ang transaksiyon, madali na niyang nawi-withdraw ang kanyang puhunan, kaya kadalasan, imbes na masimot ang puhunan o tuluyang mabangkarote ang kanyang negosyo, hindi nangyayari ito sa kanya dahil tulad ng nasabi na, madali niyang maiwasan ang grabe o sobrang pagkalugi.

Samantala, ngayong Taon ng mga Baboy, maraming mga sorpresa ang mangyayari sa buhay ng mga Kabayo. Sa mga hindi niya inaasahang san­dali, biglang tataas ang kan­yang kinikita. Ma­aaring may biglaang magbibigay sa kanya ng malaking halaga o kaya ay may bentahan nang ari-arian na siya pala ang makikinabang dahil ‘yun ay ibibigay o ipamamana sa kanya.

Dagdag pa rito, marami ring mga paglalakbay na itatala sa ka­palaran ng Kabayo ngayong 2019 na ma­katutulong sa kanya upang lalo pang mapres­kuhan at marelaks ang ma­yaman niyang kaisipan. Bukod sa paglalakbay, may mga leisure at li­bangang mangyayari sa mga Kabayo na magbibigay sa kanya ng pagkilala sa kanyang lipunang gina­galawan.

Bukod sa mga ito, maraming oras din ang maiu­ukol ng Kabayo sa kanyang mga mahal sa buhay kabilang ang kanyang pamilya at mga kaibigan na magdudulot sa kanya ng labis na saya at kaligayahan.

At dahil sobrang malilibang ang mga Kabayo hindi la­mang sa mga mahal sa buhay, kaibigan at sa lipunan, bagkus, dahil sa sobrang paglilibang hindi niya mama­malayang nauubos na pala ang kanyang savings sa kaga­gastos.

Kaya ang posibleng mangyari bago matapos ang 2019, matatagpuan niya ang kanyang sarili na naubos na pala ang kanyang ipon.

Kaya kung ikaw ay Kabayo, ang pinakamabuti mong ma­gagawa ngayong Taon ng mga Baboy habang nali­libang ka, gumala at nagpapakasaya ay bantayan mo rin dapat ang aspetong pangkabuhayan o kalagayan ng buhay mo sa larangan ng pananalapi.

Kumbaga, palagi mong tingnan ang iyong savings na sa halip na madagdagan ay paubos na pala nang paubos ng hindi mo namamalayan. Sa ganyang paraan la­mang, naging maingat ka sa paglabas ng pera at paggastos, higit na mas magiging masagana at produktibo ang magiging karanasan mo ngayong 2019.

Sa pag-ibig, damdamin at pakikipagrelasyon, sina­sa­bing higit na matatagpuan ng Kabayo ang kaligayahan sa piling ng Tigre, Aso, Tupa o kaya ay Kambing kung saan palaging ma­babantayan ng Aso ang pagiging lak­watsera ng Kabayo habang lalong sisigla ang isip at imahinasyon ng Kabayo sa mausisang Tigre.

Makararamdam naman ang Ka­bayo ng masarap na pag-aalaga, pag­kalinga at pagmamahal sa Tupa o Kambing dahil babalewalain lang ng Kambing o ng Tupa ang ugali ng Ka­bayo na pagala-gala.

Paborable rin ang relasyong Ka­bayo at Dragon dahil malaki ang maitutulong ng Kabayo sa Dragon upang maka­pagdesisyon siya ng tama at mahusay.

Magiging maayos din ang pakikipagrelasyon ng Kabayo sa Ahas, Unggoy, Kuneho, Tandang at Baboy dahil ang pagiging malaya na gustung-gustong pairalin ng Kabayo ay hindi naman pipigilan ng nasabing mga animal sign.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page