Wanted na pulis nasakote
Pabs Hernandez III
Mar 27, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang wanted na dating pulis ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa resort sa Bgy. Nazareth, Gen. Tinio sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si ex-P01 Johnny Ocampo, nakatira sa Guimba sa naturang lalawigan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Ocampo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Hindi naman nanlaban si Ocampo nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments