ST. SUSWA AT STAR OF LUCENA, UULIT PA
- Green Lantern
- Mar 27, 2019
- 1 min read

MAGANDA ang line-up ng mga kalahok sa pitong karera na magaganap sa bakuran ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Sa pag-uumpisa nang laban sa Race 1 kasabay ng panimula ng 1st pick 5, walong mananakbo ang maglalaban sa 1,200 Meters na distansiya at pinapaboran ang Oh Neng at St. Suswa na posibleng umulit ng panalo.
Sa Race 2, mag-uumpisa ang Winner-Take-All (WTA) at pinapatok ang Star of Lucena habang magsisilbing kalaban ang Don Damiano at Quite Whisperer. Maglalaban ang couple entry na Indiana Sky at Stalag Seventeen at Lourdes Drive, at Alkarama sa paghataw ng Race 3.
Nakalalamang ang More Stripes laban sa Hiroshima at MCCartney sa pagtahak sa Race 4. Sa Race 5, pinapaboran ang mananakbong Cinderella Kid habang binibigyan naman ng panalo ang Tap Dance habang binibigyan ng laban ang Low Key at El Mundo.
Pawang may panalo ang mga kalahok na Holly Bullea, Electric Dreams at Lockdown sa paghataw ng Race 6. Puwedeng solohin ang Tontoneeto sa Race 7 at kung pipili ng mga kalahok na puwedeng tumalo ay ang True Religion, Sweetness at Kristen Saving.
Sa Race 8, nakalalamang ang kabayong Trust Me habang magsisilbing may panalo ang Professor Jones, Boom Tarat Tarat at Highway Hill. Tip ni Mang Ding: Race 1-St. Suswa (5) Oh Neng (6) Race 2- Star of Lucena (6) Race 3- Entry No.3 Lourdes Drive (4) Race 4-More Stripes (4) Hiroshima (5) Race 5-Cinderella Kid (1) Tap Dance (3) Race 6-Holy Bullea (2) Lockdown (4) Electric Dreams(3) Race 7- Tontoneeto (4) Sweetness (2) Race 8 -Trust Me (7) Highway Hill (8).





Comments