top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sey ng netizen, sana, paulit-ulit siyang makunan… RESBAK NI HEART: ALAM KO KUNG KANINONG FAN KA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

GRABE na talaga ang natatang­gap na pambabatikos at pamba-bash ng ilang celebrities ngayon kung saan napupuno ang kani­lang social media accounts ng mga pag­babanta at kung anu-anong hindi maga­gandang mensahe mula sa mga netizens.

Isa na nga sa mga nakakaranas ng ga­nito ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na nakatanggap ng karu­mal-dumal na mensahe mula sa isang netizen.

Hey Heart!!! I wish you unlimited miscarriages!!! Sana mamatay ka at ma-rape. Also, you are not even good enough for academy of art. Your house in foster city is pangit,” pahayag ng netizen na may handle name na “sharmaineverdad”.

Kung ibang artista sigurado ang sinabihan ng ganito ay nag-init na ang dugo at sinagot na rin ng hindi maganda ang naturang netizen. Pero kakaibang kabaitan naman ang ibinalik ni Heart sa basher.

Aniya, “I know which fan club you are from... the only one that wishes me all these things. Watch your words because God knows all. Watch those words because the opposite will happen to me.”

Dagdag pa niya, “I pray for you... all of you. no weapon formed against me shall prosper keep them coming because of every bash is equivalent to a blessing...”

Maraming tagahanga ang naawa kay Heart dahil sa negatibong comment at sinabing parang sila ang nasasaktan sa sinabi ng netizen.

Samantala, kahit walang binanggit si Heart kung kaninong fan ang basher, marami ang nagkomento na mula raw ito sa kampo ni “M” o sa aktres na si Marian Rivera.

Marami ring netizens ang nagtataka kung bakit naba-bash si Heart. May ilan ding ikinonekta ang mga bashing na natatanggap ng aktres sa pagtakbo ng kanyang mister na si Chiz Escudero bilang governor ng Sorsogon.

May ilan ding kumondena sa naging komento ng aktres dahil sa pagsasabi nito na diumano’y kilala niya kung saang fans club kabilang ang basher. Ayon sa mad­lang pipol, kung talagang sincere raw si Heart sa kanyang mensahe, hin­di na dapat siya nag-accuse o nag-assume kung kaninong kampo nang­ga­ling ang fan.

Hindi rin nawala ang mga netizens na hindi naniwala sa ginagawang bashing sa aktres at sinabing madali lang daw gumawa ng pekeng account at pag­­muk­haing inaapi at bina-bash para pag-usapan at para umingay ang pa­ngalan niya dahil wala siyang peli­kula o seryeng ginagawa.

Samantala, may mensahe naman ang aktres para sa mga nakakaranas ng pambu-bully na ipinost niya sa kan­yang Instagram Stories.

“I eat death threats for breakfast,” panimula ng ak­tres kung saan binang­git niya ang sinabi ng nama­yapang senador na si Miriam Santiago.

Dagdag pa niya, “To anyone who is being bullied in the past? Remember this… God will lift you up even higher & Chin up baby.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page