NBA DREAM, MATUTUPAD NA KAYA NI KAI SOTTO?

TUTULAK na papuntang Europa si Kai Sotto upang mag-training sa pag-asang makapaglaro sa NBA. Matapos ang matagal na ispekulasyon ay mismong si Sotto na ang nagkumpirma na tatanggapin na niya ang alok na magsanay sa Europa upang matupad ang pangarap ng 7-foot-2 na manlalaro na makapaglaro sa NBA.
Sa kasalukuyan ay apat na koponan ang nag-aalok kay Sotto na sa kanila maglaro at mag-training. Naglaro pa si Sotto para sa Ateneo Blue Eaglets sa UAAP Season 81 at kamakailan, sa National Basketball Training Center (NBTC) League kung saan natalo ang koponan sa FilAm Sports USA sa torneo.
Naglaro rin si Sotto sa NBTC All-Star Game na naging kahuli-hulihang laro niya sa Pilipinas bago tumulak papuntang Europa.
“Nakapag-decide na po ako at ang pamilya ko. I’ll be leaving soon to start training full-time. I want to devote the next two to three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 or 2022. After a lot of effort by me and my Dad to assess all opportunities presented to me, I strongly feel (with his advice and the advice of other experienced mentors) that leaving immediately to start my training and getting the right exposure will go a long way to help me realize my dream,” saad ni Sotto.
Nangako naman si Sotto na pagbubutihin ang pagte-training sa Europa para na rin sa kanyang mga kababayan.
“Pinag-isipan ko po itong mabuti. I will train very hard and sacrifice and focus in the next few years so that one day soon, you will be very proud of me. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko, with the guidance of my Dad and Mom, to be the very best that I can be. Para po ito sa future ko, ng pamilya ko, at especially po, para sa Batang Gilas, Gilas Pilipinas at higit sa lahat, para sa bayan,” wika ni Sotto.





Comments