top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Miyembro ng NPA dedo sa engkuwentro

Pabs Hernandez III
Mar 27, 2019
1 min read

SORSOGON—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde, kamakalawa sa bulubunduking lugar sa bayan ng Bulusan sa lalawigang ito.

Ang napatay ay nakilala sa alyas Ka Pillar miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) nang makasalubong nila ang mga rebelde at dito naganap ang engkuwentro.

Nang mapatay si Ka Pillar, mabilis na tumakas ang mga kasamahan nitong NPA na sa ngayon ay tinutugis na ng puwersa ng pamahalaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page