top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Metro Manila, apektado sa El Niño

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
1 min read

NASA 16 lalawigan ang nakasailalim sa “Meteorolo­gical Drought”, condition na epekto ng weak El Niño na nararanasan sa bansa.

Ayon sa Climate Information Monitoring and Prediction ng PAGASA, sa nasabing bilang, walong lalawigan ay mula sa Luzon, isa sa Visayas at pito sa Mindanao.

Ang mga lugar na nakasailalim sa drought condition ay nakara­nas ng mahigit 60 percent ng rainfall reduction mula noong Enero.

Sa nasabing bilang, 15 ay sa Mindanao, 12 sa Visayas at 28 sa Lu­zon.

Mayroon namang 55 lugar sa bansa ang nakararanas ng dry spell kasama na rito ang Metro Manila.

Sa 55 lugar na nasa dry spell, may mga lugar na maaaring makaranas na ng drought condition kapag patuloy na hindi nakatanggap ng normal na pag-ulan kasama na ang Metro Ma­nila.

Kailangang makaranas ng sapat at normal na pag-ulan bago sumapit ang Abril dahil kung hindi, sa katapusan ng Abril ay puwedeng mapasama na ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa makararanas ng drought condition.

Hindi man natin kontrolado ang magiging panahon, mainam pa ring maging handa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page