top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lola tinodas ng apo

Pabs Hernandez III
Mar 27, 2019
1 min read

ILOCOS SUR—Isang 80-anyos na lola ang sinaksak at napatay ng kanyang 17 yrs. old na apo, kamakalawa sa Bgy. Anonang Menor, Caoayan sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Magdalena Cuyo, samantalang, hindi naman pinangalanan ang suspek dahil menor-de-edad pa ito.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang lola at ang binatilyo na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page