top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahulugan na kailangang maging panatag ang kalooban

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jonaika ng Jonaika_Maru@face-book.com

Dear Professor,

Sa bakuran daw namin ay may balon, malinis ang tubig at umaapaw ito.

Tapos, kumuha raw kami ng tubig at ipinandilig namin sa mga halaman.

Ano ang ibig sabihin nito?

Salamat!

Naghihintay,

Jonaika

Sa iyo Jonaika,

Tubig, tubig, tubig! Ito ang sabay-sabay na sigaw ng maraming taga-Metro Manila.

Ito rin ang dasal ng mga magsasaka sa halos lahat ng probinsiya.

Gayundin, ang lihim na inaasam-asam ng mga ta­ong malungkot ang love life dahil ang tubig ay sini­sim­bolo ng malinis, dalisay at wagas na pag-ibig. Kaya sa mga panaginip ng mga hin­di masaya ang love life ay ang nag-uumapaw na tubig.

Sa panaginip, kapag ang tubig ay galing sa balon, ang nanaginip ay binibigyan ng susi kung paano niya ma­hahanap ang kanyang li­gaya. Ito ay magmumula mismo sa kanyang malalim na personalidad.

Kaya ang payo ay nag­sa­sabing, kailangang mag­karoon ka ng ilang sandali ng katahimikan kung saan payapa at panatag ang iyong kalooban. Mahirap itong gawin, lalo na kapag ma­lung­kot ang tao.

Pero, subukan mo ang mga ganitong paraan:

  1. Maupo ka sa upuang malambot.

  2. Huwag mong ikilos ang anumang bahagi ng iyong katawan.

  3. Puwede rin na naka­higa ka at huwag mong ikilos ang anumang bahagi ng iyong katawan.

  4. Manatili ka sa iisang posisyon nang matagal na oras.

  5. Palagi mo itong gawin kapag may pagkakataon ka.

Magugulat ka dahil anu­mang oras sa bawat araw, ang tanong kung paano ka liligaya ay maglalabas-ma­sok sa iyong isipan at sa ma­niwala ka o hindi, nagmula ito sa iyong pinakamalalim na pagkatao.

Ito rin ang sikreto para magtagumpay ang taong palaging bigo sa buhay. Wa­lang mawawala sa tao kung gagawin niya ito.

Kaya subukan mo, ma­lay mo, ito na ang magiging da­hilan ng iyong kaliga­ya­han.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page