top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit lantaran na… ARJO, TODO-IWAS KUNG BAKIT SILA NAKA-FACE MASK NI MAINE SA STAR CITY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2019
  • 2 min read

UNANG nakilala si Arjo Atayde sa offbeat roles, especially sa Ang Probinsyano kung saan sobrang tumatak ang kanyang karakter bilang kontrabida ng bidang si Coco Martin.

Pero ngayon, nag-level-up na si Arjo sa bida role dahil bukod sa Bagman na digital show na pagbi­bidahan niya sa iWant, lead role na rin siya katambal si Jessy Mendiola sa first movie nila together under Regal Entertainment, Inc., ang Stranded na showing na on April 10 mula sa direksiyon ng batambata pang direktor na si Ice Idanan.

Of course, dahil open book naman ang relationship ni Arjo with Maine Mendoza at ni Jessy Mendiola with Luis Manzano, hindi na ini-link sa isa’t isa ang dalawa for the sake of their movie.

Ang magandang kuwento at chemistry na lang nina Jessy at Arjo ang ibinebenta sa Stranded na may moral lessons daw na matututunan at makaka-relate ang mga viewers.

Dahil Stranded nga ang title ng movie nina Arjo at Jessy, tinanong namin ang aktor kung saang lugar niya gustong ma-stranded na kasama ang rumored GF na si Maine Mendoza.

Nag-isip muna ito at ang sabi, “Ang hirap naman ng tanong na ‘yan. Kahit saan, kahit saan.”

At nu’ng sinundan namin ng tanong na anu-ano pa ang mga gusto niyang malaman tungkol kay Maine sakaling ma-stranded sila, umiwas nang sumagot si Arjo.

“Saka na lang po natin pag-usapan ‘yan. Pasensiya na po,” magalang namang pag-iwas ng anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Curious lang kami kung bakit open naman na sila ni Maine pero nu’ng nagpunta sila ng Star City ay naka-face mask pa sila.

Hiningi namin ang paliwa­nag ng tisoy na aktor pero sa­got lang nito, “Saka ko na po sasagutin ‘yan. Let’s stick first to the movie. Sorry po.”

Anyway, ang kinumpirma ni Arjo ay three movies pala ang kontrata niya sa Regal. Una pa lang itong Stranded, so, may dalawa pa.

When asked kung sino ang gusto niyang maka­sama, aniya ay hindi naman siya namimili at kung sino ang ibigay sa kanya ng production ay go lang siya basta work.

May mga nakakapansin na magkakahawig sila nina John Lloyd Cruz at Alden Richards at puwede silang gumanap na magkakapatid. Willing ba siyang makatra­baho ang dalawang aktor?

“I’m open working with anyone. Wala akong pinipili talaga,” aniya.

Pa’no ‘pag sila naman ni Maine Mendoza ang pinagsama sa pelikula?

Sagot niya, “When the time is right,” or in Tagalog, AlDub Nation… sa TAMANG PANAHON!

Pak! ‘Yun na!

Basta sa April 10, abangan n’yo sa mga sinehan ang Stranded. Mas masarap manood ng dalawang taong na-stranded na may mga makabuluhang pag-uusapan at matutuklasan sa isa’t isa kesa ma-stranded dahil sa heavy traffic, devah naman?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page