Great love raw, pero… BEA, HINDI PA HANDANG PAKASALAN SI GERALD


INAANTABAYANAN ng ibang showbiz kibitzers ang pagpo-propose kay Bea Alonzo ni Gerald Anderson. Matagal na rin kasi ang kanilang relasyon at mukhang love naman talaga nila ang isa’t isa.
Ayon kay Bea, marami pa raw siyang kailangang gawin bago mag-settle down. Posible na ang dami-dami pang naka-line-up na projects for Bea. After ng kanyang first horror film titled Eerie with Charo Santos, magsisimula na siya ng panibagong teleserye sa ABS-CBN pairing her again with Ian Veneracion plus Richard Gutierrez.
Huwag naman sana na ‘di sila ni Gerald ang magkatuluyan. Sayang naman ang papuri ni Bea kay Gerald sa social media as a ‘wonderful man,’ her ‘true love,’ etc..
May pa-“You are my great love story” pa si Bea sa kanyang birthday message for Gerald sa Instagram, huh?
Mabuti na lang at may asawa na ang mga nagiging leading men ni Bea sa pelikula at teleserye gaya nina Aga Muhlach, Ian and Richard kaya medyo kampante si Gerald na ma-link romantically si Bea sa kanila.
Unlike si Gerald nu’ng gumawa ng movie with Miss Universe Pia Wurtzbach, na-link sila sa isa’t isa kaya may kumalat na tsismis na break na sila ni Bea.
Incidentally, magkakasamang ini-launch sina Bea, Pia (bilang si Pia Romero noon), Angeline Aguilar and Pauleen Luna ng ABS-CBN. Halos magkakahawig silang apat kaya ‘di naman kataka-taka kung magka-crush din si Gerald kay Pia gaya kay Bea nu’ng ‘di pa artista ang dating PBB housemate.
Anyway, maganda naman ang dahilan ni Bea on why she’s not in a rush to walk down the aisle with Gerald. Magaganda kasi ang mga projects na ibinibigay sa kanya lately gaya ng Eerie na ang daming “firsts” sa kanyang movie career.
“Dream come true po na makasama sa frame si Ma’m Charo. Honestly, nu’ng umpisa, kinakabahan ako, of course. Hindi ko alam kung paano. Ano ba dapat ‘yung expectations ko?
“But nu’ng workshops, meeting, alam mo na hindi. Parang ibang ‘hat’ ang isinuot ni Ma’m Charo. She wasn’t the CEO. She wasn’t the president of ABS-CBN. She was an actress. And she was open to collaborating with you. So, ibang pakiramdam ‘yung parang nag-share siya at si Direk Mik (Mikhail Red) ng art nila sa akin. Kaya hindi ko makakalimutan ang experience na ‘to. Isang milestone ‘to para sa akin,” lahad ni Bea.
Sabi naman ni Charo, 13 lang si Bea nu’ng ma-meet niya ang co-star sa Eerie. From that time on, talaga raw nasubaybayan niya ang karera ni Bea sa industriya at hinangaan niya ito sa hanay ng mga kabataang artista nu’ng araw.
“Very intelligent, intuitive and generous actress,” ang turing ni Charo kay Bea bilang aktres. Dagdag pa niya, “Bea also works hard and a true professional.”
“Kinikilig ako. Hahaha! Gusto kong kumuha ng lahat ng copies ng interview namin. Sabi ko nga kanina, may photoshoot kami, ipapa-frame ko nang malaki ‘yung picture namin together. Sino ang makakapagsabi na nakatrabaho ang Asia’s Best Actress, ‘di ba?”
Tumpak!





Comments