CRITERIUM RACE, GRAN FONDO, ABANGAN SA ALABANG AT SUBIC
- A. Servinio
- Mar 27, 2019
- 2 min read

DALAWANG karera ang gaganapin sa PRURide PH 2019, ang pinakamalaking karera ng bisikleta sa bansa ngayong Abril 7 sa Filinvest, Alabang sa Mayo 23 hanggang 26 sa Subic Bay Freeport. Mauuna ang Criterium Race sa Alabang at susundan ito ng Gran Fondo, Masters Race at UCI 2.2 Stage Race sa Subic na tampok ang mga matitinik na Pinoy riders laban sa mga banyagang koponan.
Ang Criterium Race ay tiyak na magiging mabilis at puno ng aksyon. Tatahakin ng mga siklista ang ilang paulit-ulit na ikot sa loob ng Filinvest. Puwedeng gumamit ng lahat ng klase ng bisikleta dahil may hiwalay na kategorya ang mga ito – road, mountain, folding at fixed gear.
“Nagagalak kami para sa PRURide PH 2019 dahil nais namin na palawigin ang pag-bisikleta para sa kalusugan ng lahat at pati na rin para sa kalikasan,” wika ni Allan Tumbaga, ang Senior Vice President ng Pru Life UK sa PSA Forum.
Aabangan ang matinding bakbakan ng mga Filipino at mga bisita kung saan makakakuha ng mahalagang puntos upang makasali sa 2020 Tokyo Olympics. Ngayon pa lang, may mga koponan na buhat sa Uzbekistan, Brunei at Vietnam ang nagpahiwatig ng kanilang partisipasyon. Ang mga celebrity bikers na sina Gretchen Ho, Zoren Legaspi at Kuya Kim Atienza ay pangungunahan ang Gran Fondo sa Subic kung saan puwedeng pumili ang mga sasali sa 30, 60 o 100 kilometro.
Lahat ng rider ay tatanggap ng bike, jersey at medalya pagkatapos ng karera at may naghihintay na gantimpalang salapi para sa mga magwawagi. Maliban sa mismong karera, maraming mga aktibidad ang naghihintay para sa buong pamilya tulad ng mga palaro para sa mga bata at concert tampok ang mga sikat na banda.




Comments