Lingkod Eskuwela ng Maynilad, 166,000 estudyante ang nakinabang!

Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Mula sa Lingkod Eskuwela Program ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay nagkaroon ng 50 drink-wash stations ang 50 public schools na halos 166,000 mula sa estudyante ng elementary at high school ang nakinabang.
Ang Lingkod Eskuwela ng Maynilad ay isa sa mga corporate social responsibility (CSR) program nito na layong magbigay ng kaalaman sa tamang hygiene at magandang kalusugan sa mga estudyante. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga drink-wash facility at refurbishing water at sanitation facility sa mga public school.
Isa sa mga nabigyan na ng Maynilad ang Las Piñas National High School sa Daniel Fajardo, Las Piñas City kung saan 5,000 estudyante ang nakinabang. Kasamang inagurahan ang bagong facility sina Las Piñas National High School Principal Phondora Capistrano, Schools Division Superintendent Dra. Loreta Torrecampo, Barangay Kagawad Daniel Fajardo Chairman Robert Cristobal, Camille Villar at City Councilor Mark Anthony Santos.
Nagsimula ang programang ito noong 2008 at ngayon, halos 441 schools na ang nabigyan sa West Zone at ngayong 2019, plano ng Maynilad na maglagay ng 50 drink-wash facilities sa 50 school sa concession area para magamit ng 150,000 estudyante.
Kasama ang Department of Education (DepEd) sa pagbibigay at pagsuporta sa Lingkod Eskuwela para maipamahagi ang kaalaman tungkol sa sanitation practice at hygiene.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments