LIBRE SA PUBLIKO ANG PEP RALLY NG SEAG ATHLETES
- BULGAR

- Mar 26, 2019
- 1 min read

MAGSASAMA-SAMA ang ilang mga alamat sa sports, coaches at sports officials sa isang pep rally para sa 30th Philippine Southeast Asian Games hosting members ng national team sa pamumuno ng Go Pilipinas Go movement para sa sasabak na Team Philippines sa biennial meet.
Ang programa ay magsisimula ng 5 p.m. at magsisilbi ring paglulunsad ng GoPilipinasGo movement na pakay suportahan ang SEAG sa layuning makakopo ng overall championship sa Nobyembre.
Ikaapat na SEA Games na ito na idaraos sa bansa mula sa Nov. 30 - Dis. 11 kung saan ang GoPilipinasGo Athletes Rally ay idaraos sa Rizal Memorial Baseball Field na siyang epitome ng mayamang kasaysayan ng mga tagumpay ng atleta sa national baseball and softball teams sa nagdaang mga taon.
Ang iba pang alamat na atletang aasahang dadalo sa rally ay sina Lydia de Vega, Elma Muros-Posadas, Bong Coo, Paeng Nepomuceno, Eric Buhain, Onyok Velasco, Roel Velasco, Akiko Thomson-Guevara, Renato Unso, Stephen Fernandez at Bea Lucero. Idinaos ang SEAG sa bansa noong 1981, 1991 at 2005. At ilan sa mga natatanging atleta sa edisyon ang inaasahang dadalo. Libre sa publiko ang okasyon upang masilayan ang mga paborito nilang mga atleta tulad nina Johnny Cross, Silver Box at This Band.
Ang ilang 500 events mula sa 56 sports ay idaraos sa SEA Games sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, lalo na sa New Clark City sa Tarlac na pagdarausan ng swimming at track and field competitions. Ang ‘Pinas ay nakapagwagi na ng overall title noong 2005 nang idaos din sa bansa sa ikatlong pagkakataon.(MC/VA)





Comments