Kelot nasagasaan ng bus
- Pabs Hernandez III
- Mar 26, 2019
- 1 min read
ISABELA—Isang lalaki ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng pampasaherong bus, kamakalawa sa Bgy. San Fabian, Echague sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si John Denver Ramirez, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng pampasaherong bus na minamaneho ni Gerome Rillon kaya aksidenteng nasagasaan nito ang biktima sa naturang lugar.
Nakapiit na si Rillon na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments