Indonesia, niyanig ng magnitude 6.1
Jersey Sanchez
Mar 26, 2019
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 6.1 na lindol ang North Maluku Province sa silangang bahagi ng Indonesia, kamakalawa.
Batay sa datos ng US Geological Survey (USGS), namataan ang lindol sa layong 150 kilometers northwest ng Ternate at may lalim na 37 kilometers.
Ayon sa pinuno ng Indonesian weather agency na BKMG earthquake and tsunami division na si Rahmat Triyono, wala namang naiulat na nasawi at nasugatang residente.





Comments