Babala ng experts... PAG-AMOY SA ISOPROPYL ALCOHOL, BAD SA HEALTH!
- BULGAR

- Mar 26, 2019
- 2 min read

KAYO ba ‘yung tipo ng tao na dehins mawawalan ng alcohol sa bag? Good ‘yan dahil totoo namang nakatatanggal ito ng bakterya, pero knows ba ninyo na ang pag-amoy sa rubbing alcohol, partikular sa isopropyl alcohol ay may masamang naidudulot sa kalusugan?
Hala!
Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, sinabi ng mga researcher na karamihan umano sa mga tao ay inaakalang ang lahat ng alcohol ay iisa lang ang naidudulot sa ating kalusugan, ‘yun ay ang tanggalin ang iba’t ibang bakterya na maaaring pumasok sa ating katawan dahil sa maraming bagay.
Ngunit, ayon sa mga researcher, ang isopropyl alcohol o IPA ay may hindi magagandang maidudulot sa kalusugan dahil maaari itong maging sanhi ng iba’t ibang klase ng sakit o masamang pakiramdam tulad ng dizziness, low blood pressure, stomach pain, nausea, rapid heart rate, low bode temperature, slurred speech, slow breathing, vomiting, unresponsive reflexes, throat pain, seizure at ang pinakamalala ay comatose. Tsk!
Marahil, hindi ito alam ng lahat, kaya madalas ay wala silang pakialam kung anong klase ng alcohol ang kanilang bibilhin dahil para sa kanila, ito ay pare-pareho lang din naman.
Kaya ang payo ng mga eksperto, tama na ugaliing maglagay ng alcohol, lalo na kung aktibo, araw-araw para maiwasan ang pagkakaroon ng mga bakterya sa katawan na maaaring makasama sa kalusugan.
Maging maalam pagdating sa mga produktong ginagamit nang sa gayun ay hindi tayo mapahamak, lalo na sa panahon ngayon na kung anu-ano na ang binibili natin dahil akala natin ay epektibo ito. ‘Yun lang!
Sa katunayan, may iba pa namang klase ng alcohol tulad ng ethyl at methyl, mainam na isipin ninyong mabuti kung ano ang inyong gagamitin.
Ngayong alam na natin ang masamang maidudulot ng isopropyl, make sure na may napulot tayong aral, ha?
Huwag tayong magshunga-shungahan, lalo na kung nakararanas na tayo ng mga problema sa kalusugan ng dahil dito.
Be healthy always, mga beshy! Okie?
Gets mo?





Comments