top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Personal info na ipinagkakatiwala sa gov’t. websites, protektahan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2019
1 min read

ISANG website ng gobyerno ang nagkaaberya.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), iniimbesti­gahan ito na posible umanong nakapagkalat ng personal na impormasyon ng mga Pilipino.

Maaari umanong nagkaroon ng gap ang website ng Freedom of Information (FOI) dahil sa ilang improvement na ginagawa ng Pre­sidential Communications and Operations Office (PCOO) na may hawak nito.

Sa pahayag ng kolumnistang si Wilson Chua, kumalat na umano sa internet ang impormasyon at larawan ng ID na kanyang ginamit nang mag-request siya sa FOI website kung saan bago makakuha ng kopya ng mga dokumento at transaksiyon ng gobyerno, kailangan munang magsumite ng larawan ng ID ang nagre-request.

Gayunman, iginiit ng NPC na walang data leakage at hindi umano ito maituturing na kaso ng data breach.

Sa ngayon, nabura na umano ng tanggapan ang attached personal documents ng mga nag-request sa website ng FOI.

Sana lang, matiyak na ligtas at protektado ang lahat ng personal information ng mga Pilipinong dumulog at dudulog pa sa naturang online site.

Masyado nang maraming banta sa seguridad ng taumbayan, huwag na sanang madagdagan pa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page