Nagkaproblema sa engine | PASAHERO NG NORWAY CRUISE, INILIKAS
- Jersey Sanchez
- Mar 25, 2019
- 1 min read
NAKARANAS ng engine failure ang isang luxury cruise ship sa kalagitnaan ng masungit na panahon sa west coast ng Norway kung saan marami ang iniligtas ng rescue helicopters.
Sa pahayag ng maritime rescue service, nagpadala ng mayday signal ang Viking Sky na may sakay na 1,300 pasahero dahil inaanod ito patungo sa kalupaan.
Gayunman, nagawa ng crew na i-restart ang engine kaya nakapag-angkla ang barko dalawang kilometro mula sa pampang.
Ayon kay rescue service spokeswoman Borghild Eldoen, nasa 87 katao na ang nailikas mula sa sea vessel.
Patuloy pa rin ang pag-rescue sa ilang mga pasahero.





Comments