top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kasabay ng UN visit | 100 PATAY SA ‘MASSACRE’

Jersey Sanchez
Mar 25, 2019
1 min read

TINATAYANG nasa higit 100 katao ang napatay ng mga armadong kalalakihan sa pagsalakay sa Fulani Village sa Central Mali.

Ito ay kasabay ng pagbisita ng top officials ng United Nations (UN) sa nasabing bansa upang talakayin ang tumataas na lebel ng ethnic at jihadist violence sa bansa.

Ayon sa mayor ng Ounekoro na si Cheick Harouna Sankare, umabot na sa 115 katao ang nasawi sa umano’y massacre.

Gayundin, ayon sa pahayag ng governor ng Bankass District na si Boubacar Kane, naniniwala ang mga nakaligtas na ang mga traditional Dogon Hunter ang umatake sa kanila.

Samantala, ayon sa ilang sources, naganap ang naturang pag-atake noong Sabado sa village na malapit sa Burkina Faso Border.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page