Honda CRF250L, bagay na bagay sa mga off-road enthusiast!
- Thea Janica Teh
- Mar 25, 2019
- 1 min read

Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Inilabas na kamakailan ng Honda Philippines, Inc. (HPI) ang bago nitong off-road model na CRF250L na mas pina-excite sa mga off-road enthusiast.
Ayon kay Hervic Villa, Department Manager for Motorcycle Planning ng HPI, layon ng CRF250L na pasayahin ang off-road enthusiasts at gearheads. Ayon sa kanya, ang bagong modelo ay hindi lamang perpekto sa tough terrains at dirt road, maaari rin itong gamitin para sa pang-araw-araw.
Ang bagong CRF250L ay nilagyan ng inverted at long-travel front fork at isang pro-link rear suspension na namamahala sa agresibong bumps ng dirt road habang pinananatili ang kaginhawahan sa mga rider.
Ang bagong bike ay mayroon ding digital meter panel at powerful na 250cc fuel-injected engine na binuo upang makapaghatid ng sapat na output para sa rider. Mayroon din itong agresibong on/off road sports na disenyo na kapareho sa CRF250R variant na nagbibigay ng tougher image habang nasa daan.
Ang mga kapansin-pansing pagbabago sa modelo ay nagmula sa scheme ng kulay nito. Ang dating puting headlight ngayon ay pula na, habang ang gold front fork color ay bronze na. Ang pilak na rim color ay naging itim at ang silver na top at bottom bridge nito ay itim na rin.
Para sa iba pang detalye, bisitahin and kanilang official website www. hondaph. com o follow them sa kanilang official Facebook page –www.facebook.com/hondaph/.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments