Habang nagba-basketball | TANOD NIRATRAT, UTAS
- Levi Gonzales
- Mar 25, 2019
- 1 min read
Limang tama ng bala sa katawan ang ikinasawi ng isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Castanas, Sariaya, Quezon.
Base sa ulat, pasado alas-6:00 ng gabi, habang naglalaro ng basketball ang biktimang si Jaison Laresma, 38, may asawa, agad umano itong pinagbabaril ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas sa hindi malamang direksiyon.
Isinugod pa ang biktima sa pinakamalapit namang ospital ngunit, binawian din ito ng buhay.
Hindi pa malinaw sa pulisya ang motibo sa krimen.





Comments