top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ex-GF na oa sa paghingi ng sustento

ROMA AMOR
Mar 25, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si LS, 23 years old. May anak na ako, pero nagkahiwalay na kami ng nanay niya dahil sa pag­trato niya sa akin. Mula nang magkahiwalay kami ay nagsusustento ako, kaya lang gusto ng ex ko na sampung libo ang ibi­gay ko sa anak ko kahit 2 taong gulang pa lang ito. Kung mayaman lang ako, ibibigay ko ‘yung ganu’ng halaga, pero dahil nagbi­bigay pa rin ako sa bahay at nagbabayad ng mga pinagkakauta­ngan hang­gang limang libong piso lang ang kaya kong ibigay. Sa katuna­yan, tinatakot niya ako na idedemanda raw niya ako kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Ano ang dapat kong gawin? Sa­lamat! — LS

LS,

Bilib ako sa iyo, bro, dahil bihira na lang sa mga ama ngayon ang tuluy-tuloy na nagsusustento sa kani­lang mga anak. Huwag kang matakot sa sinasabi ng ex mo na idedemanda ka niya dahil kung nagsusus­tento ka naman, tiyak na wala siyang laban, lalo na at hindi naman kayo kasal. Basta, gawin at ibigay mo ‘yung tama para sa anak mo, siguradong wala kang magiging problema. Kaya mo ‘yan! Good luck at God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page